
Napuno ng hiyawan at tawanan ang APT Studios ngayong Sabado ng hapon, February 26, dahil nakaharap ng binansagan "Queen of the Dance Floor" Maja Salvador sina Majadera at Maja Kargador.
Nag-transform bilang Maja para sa special episode ng Eat Bulaga sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola.
Kaninong transformation mga dabarkad ang pinaka-favorite n'yo?
Source: mikkigonzalez (IG)
Bukod sa comeback ni Maja Salvador sa award-winning noontime show, ni-launch din ngayong araw ang bagong talent competition ng Eat Bulaga na "Dancing Kween," ang first-ever dance pageant na open para sa lahat ng Dabarkad nating Sireyna.
Alamin kung paano sumali dito!
Balikan ang ilan sa jaw-dropping makeup transformation ni Paolo Ballesteros sa gallery below.