
Inabangan ang paglabas ng nag-iisang King of Makeup Transformation na si Paolo Ballesteros kagabi, November 27, sa premiere night ng 'Barbi D’ Wonder Beki' sa Cinema 7 ng SM Megamall.
‘Disco Barbie’ ang tema ng kanyang look na talaga namang hinangaan ng marami.
Suot niya ang fuchsia-glittered tank dress at white thigh-high boots na tinernohan niya ng tan faux fur coat.
Sa galing ni Paolo na mag-transform, marami ang nagtatanong kung sino ang susunod nnyang gagayahin. Matatandaan na marami siyang pinahanga sa past makeup transformations niya tulad nina Beyonce, Emma Watson, Wonder Woman, Angelina Jolie at marami pang iba. Nais naman daw niyang isunod ang kakapanalo lang na Miss Universe na si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters.
Saad niya, “Balak ko ngayon ay si Miss Universe South Africa. Baka [makikita n’yo] pagkatapos ko na mag-Barbie.”
Ipapalabas na ang ‘Barbi D’ Wonder Beki’ sa mga sinehan ngayong November 29.