GMA Logo Paolo Ballesteros
Celebrity Life

Paolo Ballesteros reveals poor posture due to herniated disc

By Cara Emmeline Garcia
Published March 19, 2021 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Ballesteros


Kuwento ni Paolo Ballesteros nasa lahi nila ang pagkakaroon ng herniated disc.

Isang concerned netizen ang nagtanong kay Eat Bulaga dabarkad Paolo Ballesteros kung meron ba siyang back problem matapos mapansin ang hindi magandang posture n'ya habang pinapanood sa longest running noon time show.

Isang post na ibinahagi ni Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Tanong ng netizen, “Hi, Pao! I always watch 'Eat Bulaga.' Stress reliever ko kayong lahat.

“Medyo bothered ako sa'yo, Pao. Napansin ko kasi 'yung likod mo. May scoliosis ka ba? Seryoso ha. 'Wag ka sana magalit. Nag-aalala kasi ako sa posture mo. “

Sagot naman ng TV host, “Ay meron po, herniated disc. Pero onti pa lang hehe. Lahi namin, e. Sister at brother ko meron bakal sa leeg at lumbar.”

Source: pochoy_29 (IG)

Sa parehong comment, maraming fans ang nag-alala para kay Paolo at nagbigay pa ng iba't ibang payo para maiwasan ang paglala ng herniated disc ng TV personality.

Saad ng isa, “Get well soon po. Bawal po dyan ang matagal na pagtayo. May ganyan ako nakawork dati. Nagle-letter 'S' ang kanyang spinal. We will pray for you po.”

Dagdag pa ng isang netizen, “Pagaling ka po. Isa ka po sa nagpapasaya sa aming mga dabarkads.”

Hindi ito ang unang beses ipinaalam ni Paolo Ballesteros ang kondisyon ng kanyang spine.

Noong 2018, ipinakita ng Eat Bulaga dabarkad ang resulta ng kanyang Magnetic Resonance Imaging (MRI) scan na nagpapakita na mayroon siyang slipped disc sa kanyang lower spine.

Ayon sa Mayo Clinic ang herniated disc or slipped disc ay “problem with one of the rubbery cushions (disc) that sit between the individual bones (vertebrae) that stack to your spine.”

Ang treatment para sa slipped disc ay ilang strengthening exercises o kaya naman physical therapy para sa minor cases. Kung ito ay lumala, maaring kinakailangan ng operasyon para maayos ito.

Tingnan ang ilang pang mga celebrities at personalities na mayroong health problems sa gallery na ito: