Magsasama sina Paolo Contis at Camille Prats ngayong Linggo (March 13) sa episode ng Dear Uge na pinamagatang "MMA: Machong Make-up Artist."
Ang kuwentuwaan ng kanilang characters ay iikot sa struggling painter na si Gardo na gagampanan ni Paolo at sa celebrity na si Melissa Tan Co na bibigyang-buhay naman ni Camille.
Dahil sa pangangailangang kumita ng mas malaki, nagpanggap na bading si Gardo para makapagtrabaho bilang make-up artist ni Melissa. Mapapaniwala rito si Melissa, at magiging mabuti silang magkaibigan. Ngunit hindi lumaon ay mabubuo ang pagtingin ni Gardo para sa boss niya.
Mauwi kaya sa happy ending ang kanilang kuwento kung malaman ni Melissa ang lihim ni Gardo? Ano'ng karakter din kaya ni Eugene Domingo ang eeksena sa episode na ito?
Ilan lang 'yan sa mga dapat abangan sa kauna-unahang comedy anthology on Philippine TV. Tutok na sa Dear Uge ngayong Linggo (March 13), pagkatapos ng Sunday PinaSaya.