GMA Logo Paolo Contis irked by basher
What's Hot

Paolo Contis at LJ Reyes, dismayado sa panlalait ng isang netizen kay Baby Summer

By Aedrianne Acar
Published May 8, 2020 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis irked by basher


Paolo Contis to Baby Summer's basher: "Hiyang-hiya naman ako sa pagka perfect mo!"

Habang may kinakaharap na pandemya ang buong bansa, ikinagulat ng Kapuso showbiz couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes na may panahon ang iba na manlait ng kanilang kapwa.

Sa separate posts sa Instagram Story ng dalawa, nadismaya ang mga ito na may netizen na nangahas na punahin ang kanilang baby daughter na si Summer Ayana at tahasan sinabi na "pango" ang ilong nito.

LJ Reyes shares how daughter Summer borrowed her pajama top

Banat ni Paolo, "Hiyang-hiya naman ako sa pagka perfect mo! @longliveels"

May pakiusap naman si LJ Reyes na gamitin ng basher ang oras niya para makatulong sa iba ngayon na may krisis.

[Published as is] "Di ko alam bakit may ganitong mga tao. Ma'am may pandemic po. Marami pong nangangailangan ng tulong.

"Kung maraming time manlait ng iba, baka po puwedeng gamiting nyo nalang po oras nyo para makatulong.

"Mas gugustusin ko ang "pango" ilong ng anak ko kesa isipin nya na importante ang pisikal na itsura ng tao."

Ipinanganak ni LJ Reyes si Summer noong January 4, 2019. Samantala, si Paolo ay may dalawang anak na babae sa ex-wife na si Lian Paz at si LJ naman ay may anak na lalaki sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

EXCLUSIVE: Bakit gusto ni LJ Reyes na updated si Aki sa COVID-19 news?