GMA Logo Paolo Contis and his mother Jean Contis
PHOTO SOURCE: @paolo_contis
What's on TV

Paolo Contis, binalikan ang pag-aalaga ng kaniyang ina

By Maine Aquino
Published March 17, 2023 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis and his mother Jean Contis


Paolo Contis: "Ang swerte ko na ganoon mommy ko."

Binalikan ni Paolo Contis ang pag-aalaga ng kaniyang ina habang siya ay nagtatrabaho bilang artista.

Si Paolo ay nagsimula bilang child star at napanood sa iba't ibang mga pelikula at TV shows.

Sa episode ng Just In noong March 15, napag-usapan nina Paolo at kaniyang guest na si Kiray Celis ang pag-aalaga ng kanilang mga magulang habang sila ay nagtatrabaho bilang mga artista.

Pag-amin ni Paolo, lagi siyang sinasamahan ng kaniyang inang si Jean Contis noong kabataan niya at pinagsisihan niya na hindi niya na-appreciate ito noon.

PHOTO SOURCE: @paolo_contis

"Isa 'yun sa mga pinagsisihan ko kasi loklo loko talaga ako."

Kuwento ni Paolo, "'Yung mom ko lagi akong sinasamahan dati sa taping. Siguro Tabing Ilog days, sinasamahan pa ako ng mama ko sa taping. Ako dati, hindi ko 'yun naa-appreciate. ngayon naaappreciate ko na, sayang.”

Inilahad din ng Just In host, na swerte siya dahil sa kaniyang ina.

"It's something na naa-appreciate ko lalo na ang swerte ko na ganoon mommy ko."

Ang ina ni Paolo ay isang stroke survivor. Noong nag-guest si Paolo sa Fast Talk With Boy Abunda noong January 30, ay inilahad ni Paolo na dinala ang kaniyang ina sa ospital dahil sa hindi maganda ang kalagayan nito.

Dito rin humingi ng tawad ang aktor at host.

"I promised nung nawala si papa, I'll take care of you. I failed," emosyonal na pagbabahagi ni Paolo.

Pangako ni Paolo sa ina, ipapakita niya ang pagbabago niya at ang paghingi ng tawad sa kaniyang pagkakamali.

"Maging okay ka lang dirediretso, bago ka mawala, ipapakita ko sa'yo 'yung pagbabago ko. Kasi hindi na nakita ng papa ko 'yun."

Dugtong pa ni Paolo, "Sorry for everything, sorry sa mga kalokohan, mali, sa mga palpak. Sorry for hating the fact na sinasamahan mo ako lagi sa taping. Lahat 'yun na-appreciate ko ngayon. Lahat, lalo na noong hindi na siya nakakalakad. Naappreciate ko lahat 'yun."

Abangan si Paolo sa Just In every Wednesday at 8:00 pm sa Facebook page at YouTube channel ng Sparkle at sa Facebook page ni Paolo Contis.

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER MILESTONES NI PAOLO: