GMA Logo Paolo Contis and Baron Geisler
What's on TV

Paolo Contis, excited nang makakuwentuhan si Baron Geisler sa 'JUST IN'

By Felix Ilaya
Published May 19, 2020 7:09 PM PHT
Updated May 26, 2020 3:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis and Baron Geisler


Abangan ang tiyak na nakakaaliw na kuwentuhan nina Paolo Contis at Baron Geisler sa 'JUST IN: An Online Kumustahan with your Favorite TV Personalities,' ngayong Miyerkules na.

Mapapanood na ang unang episode ng 'JUST IN: An Online Kumustahan with your Favorite TV Personalities' with Paolo Contis and Vaness Del Moral ngayong Miyerkules, May 20.

Sa pilot episode ng 'JUST IN,' makakasama ni Paolo ang "Bad Boy" of Philippine Showbiz na si Baron Geisler para sa isang malupit na kuwentuhan!

Ayon sa kuwento ni Paolo sa kaniyang Kapuso Showbiz News interview, kasabay niyang lumaki si Baron sa mundo ng showbiz dahil mula pagkabata ay nag-aartista na silang dalawa.

"Simula eight years old o nine, katrabaho ko na si Baron. Nasaksihan ko lahat 'yan.

"Kumbaga we matured together, we grew old together so I'm sure gusto nila 'yung kumustahan na 'yon. Sure ako," wika niya.

Dagdag pa ni Paolo titiyakin niyang mas makikilala pa ng lahat si Baron pagkatapos ng kanilang kuwentuhan at kumustahan sa 'JUST IN.'

"Marami kayong 'di alam tungkol sa kaniya. I'm gonna make sure na makikita 'yon ng tao. Hindi puro badboy badboy 'di ba? After ng interview, mas, mas masisira siya, promise 'yon. Mas kaiinisan n'yo siya," biro ng aktor.

Panoorin ang Kapuso Showbiz News interview ng 'JUST IN' hosts na sina Paolo at Vaness sa video below:

Abangan ang pilot episode ng 'JUST IN' ngayong Miyerkules, May 20, na ipapalabas sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Artist Center ng 8 p.m.