
Bibida si Kapuso actor Paolo Contis sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya dito ang kuwento ng vlogger at businessman na si Wilbert Tolentino.
Kilala si Wilbert bilang isang matagumpay na negosyante at dating talent manager ng Kapuso star na si Herlene Budol.
Pinasok din niya ang mundo ng vlogging kung saan dumami ang kanyang mga tagasubaybay na kung tawagin niya ay mga "KaFreshness."
Pero bago ang lahat ng ito, marami pinagdaanang pagsubok si Wilbert para maitaguyod ang kanyang pamilya. Bukod dito, nag-agaw-buhay pa siya dahil sa COVID-19.
Paano narating ng KaFreshness na si Wilbert Tolentino ang tagumpay at magandang estado ng buhay niya ngayon?
Bukod kay Paolo Contis, bahagi rin ng episode sina William Lorenzo, Anna Marin, at Ashley Rivera.
Abangan ang brand-new episode na "A Son's Karma: The Wilbert Tolentino Story," August 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.