
Hindi umano sanay si Paolo Contis sa kanyang nakukuhang atensyon dahil sa pelikulang Through Night and Day.
Pag-amin ni Paolo, masaya naman siya pero hindi lang umano sanay sa atensyon.
"Masaya siya kaso 'di ako sanay talaga. Sa totoo lang 'di ako sanay," sabi ng Bubble Gang star sa ginanap na bloggers conference nitong Martes, July 21.
"Ako kasi, nabuhay ako sa industriya ng okay lang. Part ako ng number one gag show. Masaya ako na isa ako sa mga inaaasahan nila pero wala sa akin 'yung pressure na, 'O, kailangan mag-rate 'to, ha, sa'yo nakasalalay 'to."
Isa pa sa kuwento ni Paolo ay masaya siya sa opportunity na gumawa ng lead role.
Pero nakakahinayang na hindi ito naging hit noong nasa sinehan pa ito noong 2018.
Ang Through Night and Day ay naging hit sa Netflix pati na rin ang pelikula niyang Ang Pangarap Kong Holdap, na una ring ipinalabas sa sinehan noong 2018.
"Masasabi ko na, siyempre, noong una na-excite ako about Through Night and Day before. Kasi, it was an opportunity na gumawa ako ng lead.
"Medyo nakakahinayang hindi siya nangyari, nakakalungkot, siyempre, pero I learned to live with it na okay lang. Okay lang naman sa akin, e."
Sa kabilang banda, ngayong trending na ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi, aminado si Paolo na hindi siya sanay na pinag-uusapan siya dahil sa kanyang pagganap.
Dagdag pa niya, "Medyo iba, iba siya sa akin. I'm not used to having that attention kasi hindi ko naman siya ginagawa for attention, e."
Gayunman, inilahad ni Paolo na masaya siya dahil nakita ng mga manonood ang kanyang talento sa drama.
"It's fun to be honest. Masaya ako... 'Di ako sanay, to be honest, pero I am happy."
Paolo Contis and DJ Loonyo's TikTok duet of "Through Night and Day" song
Paolo Contis gets emotional as he returns to work