Celebrity Life

Paolo Contis, ikinuwento kung paano niya nakuha ang loob ng anak ni LJ Reyes na si Aki

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 6, 2020 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes and Paolo Contis


“Magpatalo ka lang nang magpatalo...” ikinuwento ni Paolo Contis kung paano niya nakuha ang loob ng kanyang stepson na si Aki.

Ikinuwento ng aktor na si Paolo Contis kung paano niya nakuha ang loob ng panganay na anak ni LJ Reyes na si Aki.

Si Aki ay anak ni LJ sa dati niyang boyfriend at aktor na si Paulo Avelino.

“'Yung mga games, games, magpatalo ka lang nang magpatalo,” pagbibiro ni Paolo.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko na alam. Kasi to begin with, it is a process. Hindi siya puwedeng i-fake, hindi siya puwedeng i-fake care, i-fake love.

“You cannot kasi eventually, bibigay ka, at saka, mararamdaman niya 'yon.

“Hindi puwedeng ipipilit na, 'Oy, respetuhin mo ko a, boyfriend ako ng mommy mo.'

“Hindi puwede mangyari 'yun. Uunti-untiin mo 'yun.”

Magbiro ka na sa lasing... Magbiro ka na sa bagong gising... Huwag ka lang magbiro sa naka anesthesia! Kasi walang patutunguhan ang usapan niyo! 😂😂😂 . #Throwback lang when Aki had a procedure done sa ngipin niya! Sarap kausapin pag uwi kasi nagigising gising na from anesthesia! Mahabang usapan to eh! Pero wala akong naintindihan! 😂

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Ayon kay Paolo, hindi rin puwede na i-spoil niya si Aki ng mga laruan dahil hindi pa rin nito makukuha ang respeto ng bata.

“Puwede mong i-shower ng toys pero hindi pupunta sa deep as respect 'yon,” kuwento ni Paolo.

“Ako, masasabi ko na, we're on that stage na ni Aki na mayroon kaming respect for each other, love for each other.

“It takes time.”

Dagdag pa ni Paolo, kinailangan niya munang kunin ang tiwala ni Aki bago sila nagkaroon ng respeto at pagmamahal sa isa't isa.

Aniya, “Before anything else, he should trust you first. Dapat mo i-gain 'yung tiwala na 'yun.

“After that, everything will follow.”

Sinagot rin nina Paolo at LJ kung kailan nila balak sundan ang kanilang anak na si Summer at kung ano ang naiisip nilang pangalan.

Panoorin ang kanilang question and answer vlog:

IN PHOTOS: The beautiful family of LJ Reyes and Paolo Conti

#RELATE: Summer Ayana's ECQ diaries makes her the most relatable baby during the lockdown