
Matapang na hinarap ni Paolo Contis ang subpoena nina Chariz Solomon at Buboy Villar para sa first anniversary ng Your Honor.
Sumalang ang multi-awarded actor at comedian sa session ng YouLOL Originals vodcast na "In Aid of Handling Bashers: Andaming Mema!"
Sa panayam sa kaniya ng House of Honorables, umamin ang Kapuso star sa mga pagkakamali na nagawa niya in the past. Sabi pa ni Paolo na taliwas sa sinasabi ng iba na proud siya sa mga nagawa niya ay hindi, pero kailangan niyang mag-move forward.
“Lahat ng bagay na nakikita n'yo is parang after the fact na nung mga nangyayari sa akin. Hindi ko kayo sinasama masyado sa process ng buong relasyon.”
“Never kong sinabi na wala ako mali ah, ang dami kong mali! Ang dami kong mali, tsaka, 'yun 'yung process ng mga relasyon 'di ba. Kaya lang hindi sa lahat ng panahon tama ako, okay.
“Puwedeng nadya-justify ko ang mali ko, pero it doesn't mean I'm right. At alam ko 'yun.
“And it's a continuous process 'yung pagiging okay. Alam ko ang dami kong mali, jusko, alam ko 'yun.”
“At siyempre, lahat ng makakapanood nito sasabihin, 'Proud pa siya'. Hindi ako proud.”
“Marami akong pagkukulang at marami akong mali at alam ko and it happens. Hindi ko siya jina-justify but it just happens 'di ba. It could happen once, it could happen twice at sinasabi nila ang pagkakamali, kapag dalawang beses, tatlong beses nangyari it's a choice, yes, but it still a mistake.”
Paliwanag pa niya sa Your Honor, “And habang tumatagal mas lumalaki 'yung consequences at naramdaman ko 'yun.. I'm not proud of it and ang daming nawala sa buhay ko, ang daming naging mali sa buhay ko at maraming bagay na hindi ko na maibabalik, but what can I do? I have to move forward and bumawi.”
Umamin din siya sa tanong ni Madam Cha kung may tao bang nagpapatupi sa kaniya. Sinabi ng Bubble Gang comedian na nagma-matter sa kaniya ang opinyon ng late manager na si Manay Lolit Solis at ng kanyang ina na si Jean Contis.
“Ang nagma-matter lang na ang opinyon sa akin dati kay Nay Lolit. Pero kasi si Nay Lolit ang away naming dalawa masyadong comedy. So, wala masyadong emosyonal baggage.
“Pero 'yung mama ko kapag masama ang loob sa ginawa ko, masakit! Lalo ngayon, si Mama siyempre na-stroke siya and hindi na siya masyado nakakagalaw. 'Pag may mga simpleng tanong siya or simpleng parinig siya na bigla na lang lumalabas, masakit.
“Si Mama kasi hindi na masyado lucid, meron isang time na...”
Tila natigilan si Paolo Contis bago magpatuloy at sumunod niyang sinabi sa House of Honorables,
“Iniisip ko kung ikukuwento ko e. Basta may isang time na first time nakita ni mama 'yung kids, sina Xonia tsaka si Xalene. Again, hindi ito naka-post and everything but I would assume na somehow puwede ko nang i-share, because before all the posts we did na parang okay na. Nagkaroon na ng maraming kumbaga pagkikita and then, basta meron lang isang sinabi si Mama, hindi ko na ishi-share 'yung sinabi na nung araw na 'yun.
"Alam kong hindi siya lucid masyado, pero meron siyang sinabi na naiyak ako. Yun tumatatak sa akin 'yun, pero sa totoo lang, heto lang ah ,gusto ko lang i-share, kasi 'yung sinabi niyang 'yung araw-araw kong nababasa 'yun sa mga tao na hindi nagma-matter sa akin araw-araw.”
Balikan ang one-on-one chikahan ni Paolo Contis kasama ang House of Honorables sa video below!
RELATED CONTENT: Career journey of multi-faceted Sparkle actor Paolo Contis