Article Inside Page
Showbiz News
Bukod sa pagiging komedyante, madalas ding nakikita si Kapuso actor Paolo Contis bilang kontrabida sa mga soap opera ng GMA. Pero ngayong darating na November, ibang pagganap ni Paolo ang mapapanood sa remake ng hit TV series na Villa Quintana.

Bukod sa pagiging komedyante, madalas ding nakikita si Kapuso actor Paolo Contis bilang kontrabida sa mga soap opera ng GMA. Pero ngayong darating na November, ibang pagganap ni Paolo ang mapapanood sa remake ng hit TV series na Villa Quintana.
Ayon kay Paolo, kung dati raw ay napapakunot niya ang mga noo ng manonood kapag nagpapakita siya ng kasamaan, ngayon daw ay maninibago sila dahil sa kahinaan ng loob ng character niya bilang si Robert Quintana. “Nahihirapan nga ako kasi ang bait ko dito eh,” he noted.
Sa kanilang pilot taping noong first week of October, ang unang naka-eksena raw ni Paolo ay si Marky Lopez, na gumaganap bilang pinsan ni Robert na si Chito at si Roy Alvarez, bilang ama niyang si Manolo Quintana. “Okay nga kasi ‘yung first day namin are not the mabibigat scenes yet, so we have time to bond muna as a family para makilala muna ‘yung isa't isa.”
Pero ayon sa aktor, matagal na rin naman niyang hinihiling sa GMA na bigyan siya ng ibang role. “Ever since ni-request ko na rin sa GMA ‘yun, na I want to showcase my lighter side. So I'm very thankful,” pahayag ni Paolo.
Naaalala pa ni Paolo kung paano siya i-motivate ng kanilang director na si Gina Alajar noong first day of taping. Dahil daw nakasanayan niyang ikunot ang noo sa mga scenes niya dati bilang kontrbida, hindi niya tuloy mapigilang mai-apply ito sa Villa Quintana. “There are a lot of times na sinasabi ni direk Gina, ‘yung noo mo, hindi ka kontrabida. Relax, relax. Tapos look weak.”
Sabi ni Paolo, napakagaan daw katrabaho ng kanilang direktor. Masarap daw itong kasama sa taping dahil bukod sa pagiging direktor, isa rin daw itong aktres kaya’t kabisado nito kung ano ang kailangan ng mga actors niya.
“Katulad dun sa first day namin. I hade some crying scenes [in the script]. Sabi niya [Direk Gina], let's not do that today. Let's go with the flow muna, relax tayo then kapag sure ka na about your character, let's do it,” kuwento ni Paolo.
Siyempre sa mga unang scenes, inamin ni Paolo na mahirap nga raw talaga magmukhang mabait dahil sa nakasanayang kontrabida role. Pero saad niya, “I mean it’s hard, medyo hard, pero hopefully ma-pull off ko naman ng maayos.”
Hindi raw basta drama ang hatid ni Villa Quintana ayon sa aktor. Hindi raw ito basta sungit-sungitan o kontra-kontrabidahan na soap. “Well, these are real problems ng totoong pamilya. It will really require crying. And excited ako sa mga ganung eksena” he added.
Ano ang magiging motivation niya sa soap na maituturing na heavy drama ang genre? “Marami. Actually with the story naman itself, it's very easy to handle it. With how it's written, kapag binasa mo naman ng mabuti ‘yung script, you’ll get to know the characters, you would know their weaknesses,” sagot niya.
Abangan si Paolo Contis sa pagganap niya bilang Robert Quintana sa remake ng upcoming Afternoon Prime Soap na Villa Quintana, magsisimula na ngayong November 4. -- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com