
May bagong acting skill na ipinasilip si Paolo Contis at kanyang anak na si Summer.
Sa bago nitong Instagram post, ipinakita Paolo kung paano umiyak na tahimik lamang. Pero bago ito, binalikan ni Paolo ang ilang comments na nabasa niya mula sa dati niyang post kung saan umiyak nang malakas si Summer.
Ito umano ang dahilan kung bakit nag-workshop sila ulit at itinuro nito kung paano ang tahimik lamang na pag-iyak.
"Kaya nag workshop kami ulit at tinuro ko sa kanya na sa acting, minsan dapat quiet lang iyak! Para mas ramdam!"
Natatawang dagdag pa ni Paolo, "Tingnan niyo to! Ready na siya! "
Si Summer ay anak nina Paolo at LJ Reyes. Mapapanood ang ilang funny moments ni Summer kasama ang kanyang ama ni Paolo sa ilang Instagram posts nito. Makikita rin ang cute na anak nina Paolo at LJ sa kanilang YouTube channels.
LJ Reyes's son Aki has touching message for sister Summer Ayana
Paolo Contis cites his family as his inspiration after 'Through Night and Day' tops Netflix PH