
Nilinaw ni Paolo Contis sa Fast Talk with Boy Abunda na binigyang-halaga niya si Kathryn Bernardo nang tanungin kapareha nitong si Alden Richards tungkol sa pelikulang pinagbidahan nila, ang Hello Love, Goodbye.
Matatandaan na hindi naging maganda ang reaksyon ng fans ni Kathryn sa lumabas na video clip sa Twitter kahapon, January 26, kung saan mapapanood ang interview ni Paolo kay Alden sa online talk show na “Just In.” Dito, tinanong niya ang aktor tungkol sa pakiramdam nito na mapabilang sa naturang pelikula, na unang pagtatambal nila ni Kathryn sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema at ABS-CBN.
Maiksing bahagi lang ng interview ang kalakip ng post kung saan makikitang sinabi ni Paolo na ang nasabing pelikula, na tinaguriang highest-grossing filipino film of all time, ay pinagbibidahan ng isang artista mula sa GMA Network.
“'Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA 'yung artista,” mapapanood sa putol na video clip.
Hindi nakita sa video ang buong tanong kung saan binigyang-halaga rin ni Paolo ang kontribusyon ng aktres na si Kathryn sa pelikula.
“Fact! Of course, you have Kathryn [Bernardo] who is the biggest star of ABS-[CBN] but you are also the biggest star of GMA. Anong feeling n'on? I'm sure may pressure 'yan nung ginawa mo,” ani Paolo sa interview na dapat sana ay parte ng viral video clip.
Ayon kay Paolo, sana ay pinanood ng fans ni Kathryn ang buong panayam niya kay Alden dahil malaki ang pasasalamat doon ng huli para sa aktres.
Aniya, “Sana lang, they watch the whole interview dahil pinag-usapan namin ni Alden at sobrang thankful siya sa ginawa ng Star Cinema para sa kanya, and he was very thankful kay Kathryn.”
Aminado si Paolo na nalungkot siya dahil marami ang nadala sa “clickbait” na naging dahilan upang makatanggap siya ng masasakit na salita at puna mula sa fans kung saan nadamay din ang aktor na si Alden.
Gayunpaman, nagbigay din ng mensahe si Paolo kay Kathryn na tinawag niyang isa sa pinakamalaking bituin ng ABS-CBN.
“Kathryn, I respect you as an actress. I know you as one of the biggest [actresses] of ABS-CBN,” pahayag ni Paolo.
Mensahe pa niya na sana ay mapanood ni Kathryn ang buong interview upang aniya, “makita mo na nabigyan ka namin ng respeto doon sa interview.”
Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA BALIKAN ANG STAR-STUDDED PREMIERE NIGHT NG 'HELLO, LOVE, GOODBYE' DITO: