GMA Logo Paolo Contis and family
Source: paolo_contis/IG
What's on TV

Paolo Contis, maayos ang relasyon sa dating asawa na si Lian Paz at asawa nitong si John Cabahug

By Kristian Eric Javier
Published December 3, 2025 9:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis and family


Maituturing na nina Paolo Contis, Lian Paz, at asawa nitong si John Cabahug na kaibigan ang isa't isa sa ganda ng kanilang relasyon ngayon.

Hindi lang basta maganda ang relasyon ni Paolo Contis sa kaniyang dating asawa na si Lian Paz at sa asawa nito ngayon na si John Cabahug. Sa katunayan, magkakaibigan pa sila ngayon. Ganiyan umano kaganda ang relasyon ng Kapuso actor sa kanyang dating asawa.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 2, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagkikita kamakailan lang nina Paolo at ng mga anak niya kay Lian. Pag-amin ng aktor, mahabang proseso ang pinagdaanan niya para marating ang pagkakataon na iyon.

“It was a very long process and sabi ko nga, ang isa sa pinakatamang ginawa ko was I kept it private. Before kasi 'di ba, tuwing tinatanong, nakukwento ko kung ano 'yung nangyayari so nagkakaro'n siguro ng malice on their part of what I do,” sabi ni Paolo.

Pagbabahagi pa niya, “hinog na hinog na” ang kung ano ang meron siya sa kaniyang mga anak, at itinuturing na nila nina Lian at John ang isa't isa bilang mga kaibigan.

RELATED CONTENT: TINGNAN ANG UNEXPECTED FRIENDSHIP NINA PAOLO AT JOHN SA GALLERY NA ITO:


Kuwento pa ni Paolo, nagpunta pa ang anak niyang si Xalene kasama si John sa set ng Bubble Gang para manood ng isa sa mga taping nila at masasabi niyang walang awkwardness sa pagitan nila.

Iba 'yung respeto ni John sa 'kin kaya talagang grabe 'yung respeto ko sa kaniya, I'm very thankful sa kanilang dalawa because napalaki nila 'yung mga bata na sobrang marespeto at mababait talaga and nakikita 'yun ng mga tao,” sabi ni Paolo.

Aminado naman ang aktor na “God's perfect timing” ang nangyari dahil kung napaaga umano ang muling pagkikita nila, maaaring hindi pa siya mature, at maging sina Lian at John, para matanggap ang sitwasyon na nila ngayon.

Masaya rin umano ang mga bata at puno pa rin ng respeto sa kaniya sa kabila ng matagal nilang paghihiwalay. Pag-amin ni Paolo ay nasa getting-to-know stage pa lang ulit sila, pero malaki ang paniniwala niyang magtutuloy-tuloy na ito.

Dahil malapit na ang pasko, tinanong siya ni Boy kung ano ang Christmas wish niya.

Sagot ni Paolo, “Honestly, I got my wish already. Of course, it's a continuous process again, nasa kalahati pa lang ako ng pag-aayos ng mga bagay na kailangan ayusin, but I cannot ask for more.”