
Tinapos na ng versatile TV-movie actor na si Paolo Contis ang mga kumakalat na tsismis na may tampo diumano siya sa kaniyang home network na GMA-7.
Nilinaw niya ito sa kanyang mensahe sa isang showbiz website at pinabulaanan na nag-ugat daw ang tampo niya dahil sa naging desisyon ng management sa Tahanang Pinakamasaya,
Sa isang text message sinabi niya, “Huh? Saan galing yun? At bakit ako magagalit sa GMA?”
“GMA has been very supportive of me ever since. Kahit nung mga panahon na mas hindi ako okay, they supported me.
“Walang reason para magalit o magtampo ako ngayon.”
Ngayon hapon March 15, sinorpresa ang Bubble Gang comedian ng isang birthday cake sa idinaos na grand media conference para sa 'Best Time Ever' campaign ng GMA Entertainment group.
Ipinagdiwang ni Paolo ang kaniyang 40th birthday nitong Huwebes, March 14.
Sa naturang event muli niyang nilinaw na hindi totoo na may tampo siya sa GMA Network.
Binigyan-diin ni Paolo sa harap ng entertainment press, “Wala po ako wish, nais ko lang po magpasalamat sa suporta ng GMA-7 sa akin. Again, I want to thank GMA for always supporting me, for always supporting the show.
“May kumalat po na may tampo po ako sa GMA, hindi po 'yun totoo!”
Dagdag pa ng comedian, “Pero pagbigyan na po natin 'yung mga nagkakalat nun. Content po nila 'yun para po sa kanila 'yun, pero it's not true. I love GMA and I'm very thankful to GMA. They have been supporting me during the time na kahit hindi ako kasupo-suporta. So, walang dahilan para magtampo ako sa GMA and I love the BDD2 group. Thank you very much”
IN PHOTOS: LAST LIVE EPISODE OF TAHANANG PINAKAMASAYA