GMA Logo
What's Hot

Paolo Contis, may pangako kay LJ Reyes na nakararanas ng anxiety at insomnia

By Aedrianne Acar
Published April 8, 2020 10:58 AM PHT
Updated April 13, 2020 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Paolo Contis to LJ Reyes: "I can't wait to bring you to a proper date again after this..." Read more:

Hindi biro ang pinagdadaanan ng lahat na epekto ng COVID-19 pandemic.

Kahit ang ilang celebrities tulad na lang ng Kapuso actress na si LJ Reyes, aminado na nakararanas ng anxiety at insomnia dahil sa stress na dulot ng mga balita sa coronavirus.

LJ Reyes nakararanas ng anxiety at insomnia sa gitna ng coronavirus pandemic

Kaya naman ang kanyang life partner na si Paolo Contis, may ipingako sa kanya upang kahit papaano maibsan ang pag-aalala nito.

Saad ni Paolo sa kanyang Instagram post, "I can't wait to bring you to a proper date again after this... ️ for now, K-Drama marathon muna ang date night natin gabi gabi.!! @lj_reyes saranghaeyo!! ️"

I can't wait to bring you to a proper date again after this.. 😍❤️😘 for now, K-Drama marathon muna ang date night natin gabi gabi.!! 😂😂😂 @lj_reyes saranghaeyo!! 😍❤️😘

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on


Ayon sa pinakahuling ulat, pinalawig ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa buong Luzon na tatagal na sa April 30.

Samantala may 3,764 confirmed cases ng COVID-19 sa bansa ayon sa datos ng Department of Health (DOH), 177 naman ang namatay at 84 naman ang naka-recover as of April 7.