GMA Logo Paolo Contis
What's Hot

Paolo Contis nag-self-quarantine matapos mag-shoot ng latest project

By Cara Emmeline Garcia
Published July 13, 2020 3:44 PM PHT
Updated July 17, 2020 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Nalulungkot si Paolo Contis dahil hindi pa niya makasama ang kanyang pamilya.

Hindi mapigilan ni Kapuso comedian Paolo Contis na maging malungkot ngayong siya ay nagse-self quarantine sa kanilang bahay.

Bitiw ni Paolo na kakatapos lamang niya sa pag-shoot ng latest project niya kaya siya nawala ng ilang araw at nais na niyang mayakap at makasama ang kanyang pamilya.

Aniya sa Instagram, “Missing you all so much.

“8 days akong nawala for a shoot. I'm home na (4 days na) pero naka-isolate pa ako sa isang kwarto at hindi ko pa sila malapitan, mayakap, mahalikan, o mahawak man lang…

“I'm just making sure siyempre na safe at wala akong nauwing sakit.

“Kaya ngayon, tingin tingin lang muna. I can't wait na sabay sabay na tayo ulit kumain.”

Missing you all so much... ☹️ 8 days akong nawala for a shoot. I'm home na (4 days na) pero naka isolate pa ako sa isang kwarto at hindi ko pa sila malapitan, mayakap, mahalikan, o mahawakan man lang... ☹️ just making sure syempre na safe at walang akong nauwing sakit. Kaya sa ngayon, tingin tingin lang muna. I can't wait na sabay sabay na tayo ulit kumain.. 😘😘😘

Isang post na ibinahagi ni Paolo Contis (@paolo_contis) noong

Trending on Netflix

Samantala, certified trending ang dalawang pelikula ni Paolo na Ang Pangarap Kong Holdap at Through Night and Day sa Netflix.

Simula kahapon, nakuha ng dalawang pelikula ang top 2 spots sa “Trending Movies in the Philippines” list ng video streaming platform.

“Maraming salamat sa mga nanood, nanonood, at manonood pa lang!

“#AngPangarapKongHoldap and #ThroughNightAndDay po ay number 1 and 2 sa @netflixph! Kahapon, 3 and 4 kami! Baka bukas 0 na,” pabirong sabi ni Paolo

Maraming Salamat sa mga nanood, nanonood, at manonood pa lang!! #AngPangarapKongHoldap and #ThroughNightAndDay po ay number 1 and 2 sa @netflixph 🎉🎉🎉 kahapon, 3 and 4 kami.!! Baka bukas, 0 na!! 😂😂😂

Isang post na ibinahagi ni Paolo Contis (@paolo_contis) noong

Napuno ng papuri ang dalawang pelikula ni Paolo kaya naman nasabihan siya ni veteran actress at Prima Donnas director Gina Alajar ng, “Watched 'Pangarap Kong Holdap' ...loved it!”

Saad naman ng partner ni Paolo na si LJ Reyes, “So so proud of you.”

Reaksyon ng fans sa pelikula ni Paolo Contis / Source: @paolo_contis (IG)

Sinimulang ipalabas Ang Pangarap Kong Holdap noong July 2 habang ang Through Night and Day naman ay ipinalabas simula noong July 9 sa Netflix.

Paolo Contis at Alessandra de Rossi, nakatanggap ng positive reviews sa 'Through Night and Day'

ArtisTambayan: Paolo Contis talks about 'Through Night and Day'