
Aminado ang Bubble Gang mainstay na si Paolo Contis na lapitin naman talaga siya ng kontrobersiya, lalo na at bilang aktor ay hindi naman ito mawawala sa kanilang karera. Pero pag-amin niya, nakakaramdam pa rin siya ng kurot sa dibdib tuwing nadadawit siya sa mga ito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 2, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Paolo kung ano ang epekto ng lahat ng pinagdadaanan niya sa buhay bilang aktor at bilang ordinaryong tao.
Sagot ni Paolo, “As an actor, sometimes I use it for my emotions, kapag you feel down, kapag sa mga kontrobersiya na pinagdadaanan ko. Sa personal life, siguro, lalo sa panahon ngayon, malaking epekto siya kasi lahat ng tao, nakatingin sa 'yo e.”
“I can always say I don't care, which is somehow true, pero meron 'yan, may kurot 'yan,” pagpapatuloy ni Paolo.
Isa sa mga pinakamainit na balita tungkol kay Paolo ay ang paghihiwalay nila ng dating girlfriend at aktres na si Yen Santos noong 2024. Bago pa nito ay ang alleged cheating niya sa dating partner na si LJ Reyes.
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA NAGING BABAE SA BUHAY NI PAOLO SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na taong 2021 nang kumpirmahin ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo matapos ang anim na taong pagsasama. Sa hiwalay na panayam ni Boy kay LJ, sinabi ng aktres na matagal na niyang nararamdaman na nag-iiba na si Paolo sa kanila.
“Matagal ko nang nararamdaman na naka hiwalay na siya sa amin. Parang nasa ibang mundo na po siya. Parang hinihintay niya na lang na manggaling sa akin. Madalas po siyang wala sa bahay,” sabi ni LJ.
Taong 2023 naman nang aminin nina Paolo at Yen ang kanilang relasyon, dahilan para isipin ng netizens na ang aktres ang dahilan ng hiwalayan ng aktor at ni LJ. Ngunit nilinaw naman ni Paolo, at ng manager nito na si Lolit Solis sa hiwalay na interview na walang third party sa kanilang breakup.
Ngunit noong 2024, napansin ng netizens na nawala na ang social media posts ni Yen tungkol kay Paolo. At matapos itanggi ang kanilang hiwalayan, sinabi kalaunan ng aktor na siya ay single.
Panoorin ang panayam kay Paolo dito: