GMA Logo Paolo Contis
What's Hot

Paolo Contis, nangakong bibigyan ng totoong cake ang isang birthday celebrator na nag-viral

Published May 17, 2021 5:03 PM PHT
Updated May 18, 2021 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Paglilinaw ni Paolo Contis: "Guys, ipapaalala ko lang ha.. hindi po sa akin ang Conti's Bake Shop!"

Viral ngayon ang larawan ng isang birthday celebrator na nagngangalang Katrina David na nakatanggap ng isang makeshift cake na binubuo ng mga mangga at pake-pakete ng biskwit na may larawan ng Kapuso actor na si Paolo Contis.

Bilang katuwaan, nilagyan ang makeshift cake ng larawan ng komedyante bilang pagpapahiwatig na mula ito sa sikat na local bakeshop na Conti's na kaparehas ng kanyang apelyido. Ang cake flavor na Mango Bravo ng nasabing bakeshop ang inspirasyon sa pagbuo nito.

Umani ng libo-libong reactions ang larawan na in-upload ni Cheenz Olalia Malang noong May 13 sa trending Facebook group na "Homepaslupa Buddies."

Ayon sa uploader, nag-ambagan sila ng kanyang mga ka-opisina para mabilhan ng "cake" ang birthday celebrator na si Katrina.

"Hi mga kaslapsoil 🏻🏻 share ko lang nagawa naming kabutihan. Naiyak officemate namin di expect na gagastusan tlga namin bday nya. Tamang ambagan lang malayo tlaga mararating," biro ni Cheenz.

Ishinare naman ng "Homepaslupa Buddies" sa kanilang Facebook page, na may 84,225 followers, ang post ni Cheenz na lalong nagpa-viral dito.

Napasin naman ito ni Paolo at naaliw sa creativity ni Cheenz na member ng "Homepaslupa Buddies." "Slapsoils" (literal na Ingles ng salitang 'hampaslupa') ang tawag sa mga miyembro at followers ng sikat na online group/page.

Ani ng Kapuso star, "Ang daming nag-tag sakin nito! hanep talaga taba ng utak ng pinoy! Lalo na ang mga slapsoils!"

Nangako naman si Paolo na papadalhan niya ng tunay na cake si Katrina at nilinaw na hindi siya ang may-ari ng bakeshop na Conti's.

Dugtong niya, "May nakakaalam ba sino tong si ate? Paki tag naman siya nang makausap ko at mapadalhan ko siya ng tunay na cake! pero guys, ipapaalala ko lang ha.. hindi po sa akin ang Conti's Bake Shop!"

Agad na nagkomento ang uploader ng viral photo sa post ni Paolo at nagbirong baka mayroong mairereto sa kanyang single na kaibigan.

Uploader of viral photo comments on Paolo Contis post

Humingi rin si Katrina ng paumanhin kay Paolo dahil sa "kaguluhan," sabay nagpasalamat sa regalo ng aktor.

Birthday celebrant thanks Paolo Contis for his gift