GMA Logo paolo contis
What's on TV

Paolo Contis, nilinaw na hindi 'scripted' ang mga sumasali sa segments ng 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published June 27, 2023 1:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

paolo contis


Paolo Contis sa mga nagsasabing scripted ang contestants sa 'Eat Bulaga:' “There's nothing fake about anything.”

Iginiit ng aktor at Eat Bulaga host na si Paolo Contis na hindi scripted o staged ang mga contestant na sumasali sa mga bagong segments ng nasabing noontine show.

Matatandaan na mabilis na pinag-usapan ng mga netizen kamakailan ang pagkakasali ng kaibigan ng co-host ni Paolo na si Buboy Villar sa isang segment ng Eat Bulaga na “Ikaw Ang Pinaka.”

Dahil dito, marami ang nagsabing hindi makatotohanan ang mga sumasali sa mga palaro ng programa. Hiningan naman ng reaksyon ng GMANetwork.com si Paolo tungkol dito.

Aniya, “Wala, e, paano mo pa sasabihing scripted 'yun binubunot na nga namin, e.”

Aminado naman si Paolo na nag-ugat nga ang isyung ito sa naging pagkakasali ng kaibigan ni Buboy sa kanilang segment. Pero iginiit niyang hindi nila alam na magpupunta ito sa Eat Bulaga at magiging contestant ito.

“I think, sinabi nila 'yun dahil sa issue nu'ng kay Buboy. It was a very honest mistake. Una sa lahat, the only mistake I guess was that Buboy did not mention it on air na kilala niya 'yung tao. Pero 'yung taong 'yun hindi niya kasama sa likod. Pumila 'yun ng alas-sais ng umaga tapos pinili siya ni Mavy [Legaspi] 'di ba?” ani Paolo.

Ayon pa sa aktor at host, talagang mainit ang mata ng publiko sa kanilang mga bagong host ng Eat Bulaga kung kaya't mabilis na napupuna ang kanilang mga kaunting pagkakamali.

“Pero ang tao naman kasi hahanap at hahanap ng paraan para sabihing… lalo ngayon na para kang nasa microscope, 'di ba? Lahat ng kaunting mali mo, e, pupunahin,” anang TV host.

Dagdag pa niya, “Ako na ang humihingi ng pasensya para kay Buboy, una sa lahat first day namin 'yun siyempre tensions were high, you really wouldn't know what to do. Mga bago lang po kaming hosts, 'di ba? Sa ngayon ginagamay pa namin kung paano i-handle ang mga bagay-bagay.”

Pagbabahagi pa ni Paolo, sinisigurado na nila ngayon na nakikita ng studio at TV audiences ang pagbunot sa contestants upang maiwasan ang mga maling puna tungkol sa kanilang segments.

Aniya, “There's nothing fake about anything lalo ngayon sinigurado na namin na obvious na 'yung binubunot namin on air para nakikita ng mga tao so kung sino 'yung nabunot 'yun ang masuwerte.”

Samantala, bukod dito, sinabi rin ni Paolo na marami pang inihahandang sorpresa ang Eat Bulaga para sa mga manonood ng programa.

SILIPIN NAMAN ANG BAGONG YUGTO NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: