GMA Logo Paolo Contis
What's on TV

Paolo Contis, 'single' na ngayon?

By Kristian Eric Javier
Published November 14, 2024 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What are the astronauts aboard Artemis II eating? NASA shares 'menu of the day'
LRT-2 is offering free rides onAraw ng Kagitingan
Davao City forms task force to address socioeconomic crisis

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Paolo Contis sumagot na "single" sa gitna ng mga espekulasyong hiwalay na sila ni Yen Santos.

Inamin na ni Bubble Gang star Paolo Contis na single siya ngayon, ilang buwan matapos kumalat ang mga haka-haka tungkol sa hiwalayan umano nila ng aktres na si Yen Santos.

Sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda, isa sa mga tanong ni King of Talk Boy Abunda kina Paolo at Kokoy de Santos ay: “Para sa inyo, single or taken?”

Ang sagot ni Paolo, “Single.”

Hindi na nagtanong pa ang batikang host, at hindi na rin nagbigay pa ng ibang detalye ang aktor tungkol dito.

Matatandaan na January noong 2023 nang unang aminin ni Paolo sa pareho ring afternoon talk show na “in a relationship” na sila ni Yen matapos magkaroon ng mga haka-haka ang netizens nang mapabalitang magkasama sila sa Baguio noong 2021.

Bago pa inamin ni Paolo ang kanilang relasyon ay nag-post na rin siya ng date night photo nila ni Yen, ito'y matapos manalo ng Best Actress Award si Yen para sa pelikulang A Faraway Land sa Gawad Urian Awards.

Nagsimula naman ang mga espekulasyon ng netizens na hiwalay na sila nang i-delete ni Yen ang birthday greeting niya para sa aktor nitong May 2024. Napansin din ng ilan na wala nang fina-follow ang aktres sa kaniyang Instagram account.

Noong mga panahon na iyon ay fina-follow pa ni Paolo si Yen ngunit hindi nagtagal ay nag-unfollow din ang aktor.

Sa parehong buwan ay sinagot ni Paolo ang issue tungkol sa hiwalayan umano nila, “Isang magandang no comment” nang makapanayam siya sa premiere night ng pelikula nila noon na Fuchsia Libre.

Sa panayam naman ni Paolo kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sabi niya, “I always say masyado na kayong may alam sa buhay ko so I'd like to keep it personal, my personal life. Dati fina-follow kita, dati fina-follow ko si Gorgy, in-unfollow ko rin kayong lahat. Ibig sabihin ba naghihiwalay tayo lahat?”

BALIKAN ANG CELEBRITY BREAKUPS NGAYONG 2024 SA GALLERY NA ITO: