GMA Logo Paolo Contis
What's on TV

Paolo Contis, ubod ng saya na naging kaibigan sina Lian Paz at John Cabahug

By Aedrianne Acar
Published December 5, 2025 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Hala, si Madam Cha (Chariz Solomon), napaluha sa kuwento ng kaibigan na si Paolo Contis.

Big ang saya na hatid ng Your Honor para sa first episode nila sa kanilang first anniversary dahil magiging 'resource person' nila ang multi-awarded comedian na si Paolo Contis.


Sa teaser ng Your Honor, masayang ikinuwento ni Paolo ang nabuo niyang friendship sa ex-partner na si Lian Paz at sa asawa nito ngayon na si John Cabahug.

Kamakailan ay nakasama ng Sparkle star sina Lian at John pati rin ang mga anak niya na sina Xonia Aitana at Xalene Abrianna nang manood sila ng BLACKPINK concert sa Philippine Arena.

Kuwento ni Paolo sa naging reconciliation niya kay Lian, “Ang saya! Kasi kaibigan ko sila. Kaibigan ko si Lian [Paz], kaibigan ko si John [Cabahug].

Makikita na naiiyak na si Chariz Solomon sa sinabi ng kaniyang Bubble Gang co-star.

Napahirit si Pao, “Ano ['to]? May problema ba kayo? Ano ba?” Makikita rin sa Your Honor teaser na nag-iiyakan din ang ilan sa audience.

Pabirong sinabi uli ng Kapuso comedian, “Kaya n'yo ba? Anniversary n'yo, bakit [kayo nag-iiyakan]. Ano ba, MPK ba 'to?”

Naimbitahan ng House of Honorables si Paolo para sa session nila na tinawag na 'In Aid of Handling Bashers: Andaming Mema!' at dito, ipinaliwanag niya na mahalaga na piliin ng isang tao ang mga opinyon na papakinggan niya.

Lahad ng versatile actor, “Kailangan piliin mo kung sino 'yung opinyon na pakikinggan mo. Kailangan mo salain kasi lahat ng tao may opinyon. Meron akong nabasa nung isang araw, alam naman ng mga tao, nakikita ko 'yung mga anak ko 'di ba [sina Xonia at Xalene]?

“[Sabi nung isa], 'Ayan, 'yan 'yung sinasabi namin. Dapat nagkikita kayo ng mga anak mo.' Pakialam ko sa'yo! Naayos 'yung buhay ko dahil sa mga sinabi nila 'di ba? No!”

Tutukan ang guesting ni Paolo Contis sa Your Honor, ngayong December 6, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.

RELATED CONTENT: Lian Paz, John Cabahug family meet the cast of 'Bubble Gang'