
Kasabay ng The Voice Kids, pinaghahandaan na rin ni Paolo Benjamin Guico ng Ben&Ben ang kanyang kasal. Na-engage si Paolo sa kanyang girlfriend na si Rachel noong January 2025.
Ayon sa bokalista at gitarista ng indie folk-pop band, noong high school sila nagkakilala ng kanyang mapapangasawa.
Aniya sa panayam ng GMANetwork.com, "I'm marrying my highschool crush, high school best friend. Busy ngayon sa pagpe-prepare ng wedding, busy ngayon sa paghahanap ng bahay pero napagsasabay naman siya with The Voice Kids saka yung work."
Kahit abala sa kanilang gigs at tours at iba pang work commitments, motivated si Paolo sa kanyang music career dahil sa kanyang fiancée, na proud niyang ibinahagi na inspirasyon sa ilang sikat na kanta ng Ben&Ben.
Dagdag niya, "Crazy times pero sobrang I would not want it any other way. Yung fiancée ko, nabago niya yung buhay ko at ang daming na-inspire na songs like 'Paninindigan Kita,' 'Make It With You,' 'Dear,' 'Pagtingin.' So, sobrang grateful ko lang. She inspires me also to do better with work."
RELATED CONTENT: Ben&Ben's Paolo Benjamin Guico and his fiancée Rachel's charming pre-wedding photos in Japan
Samantala, nagbigay naman ng marriage advice ang twin brother ni Paolo na si Miguel Benjamin Guico, na una nang kinasal sa kanyang nobya na si Karelle Bulan noong February 2023.
Mensahe ni Miguel sa kanyang ikakasal na kapatid, "Marami kayong pagdadaanan for the first time ever pero kaya siya beautiful pagdadaanan n'yo s'ya nang sabay saka mas magiging close kayo."
Ipinakilala sina Paolo at Miguel bilang new coaches ng The Voice Kids. Pero kahit dalawa sila, isa lang ang desisyon ng duo judges. Bagong coach din ng new season ng The Voice Kids ang dating contestant na si Zack Tabudlo.
Kasama nilang uupo sa iconic red chairs ang returning coaches sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford.
Abangan ang The Voice Kids sa September 14 sa GMA.