
Kaabang-abang ang kauna-unahang pagganap ni Paolo Pangilinan sa "Anak" episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, January 8.
Gagampanan ni Paolo ang karakter ni Roel, ang nag-iisang anak nina Tina (Almira Mulach) at Jaime (Gardo Versoza).
Simula nang aminin ni Paolo ang tunay niyang kasarian, nakaranas siya ng pagmamalupit mula sa kanyang ama. Pero matapos ang ilang taon, unti-unti na rin siyang natanggap ng kanyang mga magulang. Suportado rin siya ng mga ito sa pagsali sa beauty pageants at kikilalanin bilang si Pia.
Sa pagiging isang kontesera ni Paolo, makakalaban niya si Emily (Jayvhot Galang) at matatalo ang huli. Dahil dito mas lalong tumindi ang galit sa kanya ni Emily. Ano kaya ang gagawin ni Emily makapaghiganti lang? Aabot kaya sa puntong kailangan may mapahamak o mamatay?
Huwag palampasin ang matitinding eksena sa "Anak" episode ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, kilalanin ang BL actors na nagpakilig sa Pinoy viewers sa gallery na ito: