GMA Logo papa dudut
Source: DjPapaDudut (FB)
What's on TV

Papa Dudut, inspirasyon ang kambal na anak sa kaniyang health journey

By Kristian Eric Javier
Published September 10, 2026 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan transfers custody of Romualdez to BJMP amid hospital confinement
Remembering others through words: Howie Severino launches first book of essays
Daig Kayo Ng Lola: Lalaban na sila! | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

papa dudut


May malalim na dahilan ang malaking pagbabago ng pangangatawan ni Papa Dudut. Alamin kung ano iyon dito.

Pagkatapos ng 14 months na pagda-diet at exercise, nakamit ni Barangay Love Stories host na si Papa Dudut ang mas fit at healthy na pangangatawan. Ang inspirasyon raw rito ay ang kambal nilang anak ng asawa niyang si Jenymae.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, September 9, sinagot ni Papa Dudut ang ilang mga haka-haka tungkol sa bigla niyang pagpayat.

“May nagsabi, nagda-dialysis ako, may cancer ako, konti na lang ang natitirang panahon sa buhay ko,” sabi ni Papa Dudut.

“The reason why is because I need to protect myself paa sa mga anak ko. 'Yung mga anak ko, Tito Boy, ipinanganak nang kulang sa buwan. Isang buwan sila sa NICU, sa incubator. Habang tinitingnan ko sila, marami akong naiisip na dahilan para tulungan ko 'yung sarili kong mag-diet, kasi I want to prolong my life.”

Na-realize daw ng radio personality noong nasa NICU o Neonatal Intensive Care Unit ang kambal nilang anak kung gaano ka-fragile sila at ang buhay.

“Kung hindi ako magda-diet today, baka hindi ko sila malaro, makarga, and in the future, baka mawalan sila ng tatay just like me,” sabi ng batikan DJ.

BALIKAN ANG WEIGHT LOSS JOURNEY NG ILANG FEMALE CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Sabi ni Papa Dudut, lumapit siya sa mga doktor at iba't ibang eksperto para matulungan siya at masabi kung ano nga ba ang dapat niyang gawin at kainin para sa maging mas malusog.

“May kasamang mga exercises. Nag-low-carb diet po ako. Binibilang ko po ang mga calories na kailangan ko lang kainin sa isang araw. Mahirap sa simula, marami akong masasabi kong relapse, pero ang ginagawa ko, Tito Boy, tinitingnan ko lang 'yung mga anak ko. Nanunumbalik 'yung eagerness ko para mag-diet again,” sabi ni Papa Dudut.

Naging masaya at masigla naman ang pakikipaglaro niya sa kaniyang mga anak, bagay na ikinatuwa ng mga ito. Masaya rin naman umano ang misis niya dahil may lakas na umano siyang makipagkuwentuhan bago matulog.