GMA Logo Papa JT interview about family
Photo by: Toni Gonzaga Studio YT
Celebrity Life

Papa JT, napatawad ang kanyang lola at totoong nanay: 'I'm willing to start anew'

By Kristine Kang
Published May 13, 2025 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Papa JT interview about family


Alamin kung paano nadiskubre ni Papa JT na ang kanyang lesbian na "kapatid" ay ang kanyang totoong nanay pala.

Isang major plot twist ang tumambad sa buhay ng Barangay LS 97.1 DJ na si Papa JT (Jeck Lubrin) bago matapos ang taong 2024.

Nalaman niyang ang ina na kinagisnan niya, si Mama Edna, ay tunay pala niyang lola at ang kayang ate Bakuz ang totoo niyang nanay.

Sa panayam ni Papa JT kay Toni Gonzaga, binalikan niya ang mala-telenobelang rebelasyon na nangyari sa isang mainit na pagtatalo nina Mama Edna at Bakuz noong Disyembre.

"Gusto mo marinig ang totoo? 'Yung ate mo ang totoong nanay mo!" ani Mama Edna, sa gitna ng komprontasyon.

Ayon kay Papa JT, matagal na raw siyang may hinala base sa mga pahiwatig ng kanyang pamilya at mga kaibigan simula noong bata pa siya. Ngunit kinumpirma lamang ito nang mismong sabihin sa kanya ng kanyang kinilalang ina.

Kasunod ng rebelasyon, lumutang din ang mga spekulasyon sa pagkakakilanlan ng ama ni Papa JT. Ayon kay Mama Edna, maaaring si Marcel Marceau, isang French mime artist, ang kanyang tunay na ama.

"Ang pinaka-explanation [ni Mama Edna], gusto niya protektahan si Bakuz kasi nga nakakahiya ang nangyari. Ang pagkakaalam ko kasi parang dine-deny nila. Binugaw ng tiyahin ko si Bakuz doon kay Marcel, e. Kasi gusto makapag-aral si Bakuz," sabi ni Papa JT.

Ngunit ang nararamdaman ng Kapuso DJ na baka Arabo ang kanyang ama dahil may nagsasabi na madalas kasama ni Bakuz ang mga ito sa bar.

Gayunpaman, kuntento na raw si Papa JT sa kanyang buhay at okay na raw na hindi niya malaman muna ang kanyang totoong ama.

Sa kabila ng mga rebelasyon, walang hinanakit si Papa JT kay Mama Edna. "Binigay sa akin 'yung puso na sobrang laki pagdating sa pag-intindi. Hindi ako nagalit kay Mama Edna. Hindi ako nagalit sa kanya na tinago niya sa akin 'to. Natuwa ako kasi hindi ako maka-relate sa mga sinasabi ng mga tao na, 'Mahal ko 'yung lola ko, sarap magmahal ng lolo't lola.' Ta's ngayon dalawa, two-in-one pala ako. Lola nanay, lolo tatay," ani Papa JT.

Para naman kay Bakuz, may halong biro ngunit bukas ang kanyang puso sa pagpapatawad.

"Maswerte siya kasi nga dahil namumuro siya sa akin. Dahil alam ko na hindi siya team player. So ako 'yung forgiveness dahil nga nagpatong-patong ngayon, ako na-forgive ko na si Bakuz and I'm willing to start anew," dagdag niya.

Ang kuwento ni Papa JT ay pinag-usapan din sa GMA feature show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon sa DJ, natutuwa naman na nakilala niya ang tunay niyang ina dahil kokompleto iyon sa mga piraso ng kaniyang buhay at bubuo sa kaniyang pagkatao.