GMA Logo Papa Obet
Photo by: GMA Music
What's Hot

Papa Obet, gustong sumulat ng kanta para sa Christmas Station ID ng GMA Network

By Aimee Anoc
Published November 10, 2022 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Papa Obet


Isa sa mga gustong magawa pa ni Papa Obet ay ang makapagsulat ng kanta para sa Christmas station ID ng GMA Network.

Bukod sa paggawa ng sarili niyang mga kanta, ilan pa sa mga gustong gawin ng Barangay LS Forever DJ at GMA Music artist na si Papa Obet ay ang makapagsulat ng kanta para sa iba pang mga artist at para sa Christmas station ID ng GMA Network.

Para sa mga hindi nakaaalam, si Papa Obet ang gumawa ng radio jingle ng Barangay LS na "Tayo Ay Forever," na kinanta nina Ken Chan at Rita Daniela.

Ayon kay Papa Obet, kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang sumulat ng kanta para sa Christmas station ID ng GMA Network.

"Sa ngayon focus ako sa sarili ko. Gagawa ako ng kanta para sa sarili ko. Hindi rin naman nawawala na pwede akong gumawa ng song para sa ibang artists like what I did before kay Rita [Daniela] at Ken [Chan]. Ginawan ko sila ng kanta which is 'yung ginamit namin dito sa Barangay LS, 'yung 'Tayo ay Forever.'

"Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong next time ako naman ang sumulat ng Christmas station ID ng GMA para maiba naman, para masabing 'Uy! Level up na.'"

Samantala, naghahanda ngayon si Papa Obet para sa pinakabago niyang Christmas song, ang "Regalo," na mapapakinggan sa Biyernes, November 11.

Isang post na ibinahagi ni Papa Obet (@papaobet)

Ang "Regalo" ang ikalawang Christmas single ni Papa Obet kasunod ng "Una Kong Pasko" na nai-release noong November 2017.