GMA Logo Revenge Note
What's Hot

Paparating na ang Korean web series na 'Revenge Note' sa GMA

Published July 1, 2023 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Revenge Note


Ano ang gagawin mo kung may isang mobile app na maghihiganti para sa'yo?

Malapit na mapanood sa GMA ang coming of age Korean Drama na Revenge Note.

Ano ang gagawin mo kung mayroong isang app sa phone na tutulungan kang maghiganti sa mga nambubully sa iyo?

Yan mismo ang tanong ni Cory sa kanyang sarili ng makita niya ang isang misteryosong app sa kanyang cellphone. Simple lang ang instruction nito: isulat ang pangalan ng gusto mo paghigantihan.

Kahit tahimik at mabait, ay laging binubully si Cory ng kanyang mga ka-eskwela at senior students sa school kaya naman hindi niya napigilan magsulat ng pangalan sa nasabing app at nagsimula nang mangyari ang mga hindi magagandang bagay rito.

Maging maayos kaya ang buhay niya sa ginawa niyang iyon, o maging dahilan lang ang app para maging mas kumplikado ang buhay niya?

Abangan ang kakaiba at kapanapanabik na mga eksena sa Revenge Note, July 3, sa GMA.