GMA Logo Abed Green, Carlo San Juan, Prince Carlos interview with Boy Abunda
sources: mr.abedgreen/IG, carlo.sanjuan/IG, princetcarlos/IG
What's on TV

Para kanino ba nagtatrabaho sina Abed Green, Carlo San Juan, Prince Carlos?

By Kristian Eric Javier
Published June 20, 2024 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI asks PNP to cancel Bato dela Rosa's firearms license
24 Chinese nabbed for alleged illegal employment, immigration violations

Article Inside Page


Showbiz News

Abed Green, Carlo San Juan, Prince Carlos interview with Boy Abunda


Alamin ang rason nina Abed Green, Carlo San Juan, at Prince Carlos kung para kanino sila nagsusumikap.

Bukod sa pagiging sikat na celebrities at actors, kilala rin sa larangan ng sports ang Sparkle stars na sina Abed Green, Carlo San Juan, at Prince Carlos. Ngunit kahit pagod at puyat dahil sa kanilang schedules, patuloy pa rin silang bumabangon at nagtatabaho.

Pero para kanino nga ba sila nagsusumikap at nagtatrabaho?

Iyan ang sinagot nilang tatlo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 19. Sabi ni Carlo San Juan, nagtatrabaho siya para sa kaniyang pamilya para “iparanas sa kanila 'yung sarap ng buhay na deserve nila.”

Paliwanag ng aktor, “Kasi alam ko po 'yung paghihirap nila, lalo na po si Papa sa Saudi nu'ng OFW siya.”

Sabi naman ni Prince Carlos, para naman sa kaniyang magulang ang pagsusumikap niya sa trabaho. Nais niyang maging maging proud sila sa kaniya.

“And to be able to be successful sa magiging career ko man, basketball or here (showbiz), parang feeling ko mape-pay-off lahat ng mga sacrifices na ginawa nila sa akin so gusto kong ma-feel 'yun,” sabi niya.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI PRINCE CARLOS SA GALLERY NA ITO:


Ang sagot naman ni Abed Green, gusto niyang unahin ang kaniyang sarili at siguraduhin na magkakaroon siya ng magandang future. Aniya, kung hindi siya magtatrabaho para sa sarili ay hindi niya maibibigay ang kailangan ng kaniyang magulang at family.

“Kailangan mapangalagaan mo rin ang sarili mo para mapangalagaan mo rin ang magulang,” pagsang-ayon ng host na si Boy Abunda sa kaniya.