
“Sobrang saya ng 90s. Pero for me, ngayon ang Golden Age ng OPM.”
Iyan ang pahayang ng vocalist ng bandang na Parokya ni Edgar na si Chito Miranda nang ikumpara niya ang estado ng Original Pilipino Music o OPM noong '90s at ngayon.
Sa instagram, ibinahagi ng The Voice Generations coach ang naging experience nila ng mga kabanda niya noong '90s na ayon sa kanya ay napakasaya.
“We were all underpaid, hati hati kami sa isang hotel room, kadalasan walang decent backstage or dressing room, di maganda yung soundsytem...at kahit sobrang sikat na ng mga bands, para pa rin kaming mga 2nd class citizens compared sa mga mainstream singers and artistas,” sabi nito sa kanyang post.
Nilinaw naman ni Chito na kahit ganun ang naging karanasan nila ay nagustuhan pa rin nila ang ginagawa nila.
“We loved the fact that we were outcasts, kasi it was cool not to be a part of their system,” sabi nito.
BALIKAN ANG PAGKUKUWENTO NI CHITO TUNGKOL SA KANYANG 'THE VOICE GENERATIONS' EXPERIENCE DITO:
Sa kabila nito, paniwala ni Coach Chito na ngayon ang Golden Age ng OPM at hindi noong '90s, gaya ng paniniwala ng nakararami. Isa sa mga dahilan ng bokalista ay “bands and artists now get paid, and are treated, like celebrities.”
“Mula sa mga oldies namin tulad ng PNE and [Kamikazee], hanggang sa mga younger artists like Ben&Ben, DecAve, Zack Tabudlo, Flow G, SB19, etc... all are now treated how artists should be treated,” sabi nito.
Dagdag pa ni Coach Chito, mas magaganda na ngayon ang mga music festivals, may backing na ang mga ito mula sa major sponsors, ,mayroong magagandang stage at meron na rin silang “world-class” na sound system.
“1st hand ko nakita at na-compare yung value na binibigay nila sa bands noon at ngayon...and sobrang saya ko na ganito na nila i-treat yung mga bands ngayon,” sabi ni Chito.
Ang isa pang dahilan ng Parokya ni Edgar frontman, ay ang pagkakaroon ng mga artist ng artistic freedom sa mga sinusulat nilang kanta dahil hindi na sila kasing dependent sa mainstream media ngayon.
“Pwede na silang mag-sulat lang basta ng kung anong trip nila, without considering kung "patok ba sa masa" or kung "radio friendly" ba yung kanta pwede sila mag-record at mag-release kung kelan nila gusto,” sabi nito.
Dagdag pa ni Chito, “Kaya sobrang solid ng mga artists ngayon eh...kasi naririnig talaga natin yung actual artistic intention nila without compromise. Kumbaga sa painting, we get to see their most honest artwork...tapos nakakatuwa kasi sobrang patok sa mga Pinoy.
Basahin ang buong mensahe ni Coach Chito dito: