
Ibinahagi ni soon-to-be-mom Rochelle Pangilinan ang kanyang workout routine ngayong nasa second trimester na siya ng kanyang pagbubuntis.
LOOK: Rochelle Pangilinan continues exercise while pregnant
Ipinost ng Onanay star sa Instagram ngayong araw, November 13, ang video ng kanyang weight lifting and stretching exercises.
"2nd trimester exercise ko good morning! #healthymomtobe #exercisenibuntis #healthypregnancy #parakaybaby," sulat ni Rochelle sa caption.
Ayon sa www.babycenter.com, ang weight training ay makakatulong sa pagpapatibay ng stamina na kailangan sa pag-le-labor at delivery.