
Mainit ang naging pagtanggap ng mga kababol natin sa boy group na P.A.R.D. nang i-launch nila ang kanilang album sa Fisher Mall, Quezon City.
By AEDRIANNE ACAR
Mainit ang naging pagtanggap ng mga kababol natin sa boy group na P.A.R.D. noong nakaraang Biyernes (January 29) sa Fisher Mall, Quezon City para sa kanilang album launch.
READ: P.A.R.D.'s 'Huli Ka Balbon' MTV tops 1 million views
Kumpleto ang buong tropa na binubuo nina Paolo Contis, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon, Roadfill Sparks at RJ Padilla na nagpasaya sa daang-daang fans sa kanilang event.
Heto ang ilan sa mga highlights ng P.A.R.D. album launch:
Kamakailan lang ay umabot na sa mahigit 1.1 million views sa YouTube ang single nila na ‘Huli Ka Balbon.’
Video courtesy of P.A.R.D.