
Kabilang ang Clark International Airport sa shooting locations ng bagong Korean drama series ng Korean actress na si Park Min-young.
Sa Facebook post ng Clark International Airport, ibinahagi ang isang video kung saan makikitang nakasuot ang aktres ng flight attendant uniform habang nagsu-shoot ng Korean series niyang Confidence Queen.
Kasalukuyang may mahigit two million views ang naturang video.
Hindi ito ang unang beses na bumisita si Park Min-young sa Pilipinas. Noong May 2024, nagpunta ang Korean star sa bansa para sa kanyang "My Brand New Day in Manila" fan meeting na naganap sa SM Skydome.
Kilala si Park Min-young dahil sa kanyang roles sa iba't ibang Korean drama series tulad ng What's Wrong With Secretary Kim, Marry My Husband, at marami pang iba.
SAMANTALA, KILALANIN ANG KOREAN STARS NA SECOND HOME ANG TAWAG SA PILIPINAS SA GALLERY NA ITO.