
Kinagigiliwan ngayon sa social media ang dalawang parodies ng sikat na South Korean drama-fantasy series na Goblin: The Lonely and Great God na kasalukuyang pinapalabas sa GMA.
In-upload ang mga ito sa Facebook ng JD Films, na nagpo-produce ng iba pang nakakatawang viral videos sa social media.
Mapapanood sa unang parody video ang panggagaya sa sikat na eksena sa K-drama kung saan nagkrus ang landas ng Goblin at ng Goblin's bride sa isang eskinita habang nagniye-niyebe.
Ginaya rin dito ang espadang nakatusok sa dibdib ng Goblin sa pamamagitan ng visual effects. Sa ngayon, mayroon na itong 2.8 million views sa Facebook.
Nagkaroon pa ito ng second version na umabot naman sa 1.3 million ang views.
Dito mapapanood din ang The Grim Reaper, o ang tagasundo ng mga kaluluwa.
Bukod sa kinaaaliwan ang mga ito, kapansin-pansin din ang husay sa pag-edit ng dalawang parodies na pinuri ng marami, base sa mga komento.
Kuhang-kuha nito ang K-drama feels dahil sa cinematography at color grading. Higit namang hinangaan ang visual effects nito.
Mapapanood ang Goblin: The Lonely and Great God mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon bago ang Family Feud sa GMA.
NARITO ANG MAIN CAST NG K-DRAMA: