
Isang makulit na fox spirit ang magpapasigla ng inyong mga umaga sa The Fox Fairy!
Matagal nang nakakulong ang fox spirit na si Xiao Cui (Janice Wu). Buti na lang, aksidente siyang mapapakawalan ng wannabe detective na si Wang Yuan Feng (Eric Wang).
Bilang pasasalamat, pakakasalan ni Xiao Cui ang binata. Kaya lang, tila walang interes sa pag-ibig si Wang Yuan Feng! Galing man sa angkan ng mga pulitiko, wala itong ibang interes kung 'di ang lumutas ng mga misteryo.
Gayunpaman, bubuntot pa rin si Xiao Cui sa kanya. At gamit ang powers nito bilang isang fox spirit, tutulong ito sa mga hinahawakang kaso ni Wang Yuan Feng.