GMA Logo Encantadia Chronicles Spirit Animals Sinaunang Pashnea
What's on TV

Pasilip ng 'Sang'gre' sa pagdating ng mga sinaunang pashnea, may 2.2M views na!

By Aimee Anoc
Published April 6, 2026 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LRT-2 to offer free rides on April 9, 2026, Araw ng Kagitingan
Olivia Rodrigo to drop new album this June
2 nabbed for alleged illegal transport of wildlife species

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Spirit Animals Sinaunang Pashnea


May bagong aabangan sa kuwento ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre,' ang pagdating ng mga sinaunang pashnea o spirit animals.

Mayroon na ngayong 2.2 million views sa Facebook ang pasilip ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa pagdating ng mga sinaunang pashnea o spirit animals sa hit fantaserye.

Sa 30-second teaser na inilabas noong April 3, napanood ang pagharap ng new-gen Sang'gres na sina Terra (Bianca Umali), Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith Da Silva), at Deia (Angel Guardian) sa mga sinaunang pashnea o spirit animals.

May ilang netizens ang nagpaabot ng kanilang excitement at nagbigay rin ng kanilang teorya sa nakamamanghang pagharap na ito ng mga Sang'gre sa mga sinaunang pashnea.

Abangan ang pagdating ng mga sinaunang pashnea sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

RELATED CONTENT: DarMea's kilig moments in 'Sang'gre'