
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, February 6, kinumpirma ng batikang TV host na si Boy Abunda ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Pero may depensa siya sa mga nagsasabing si Bea ang may problema kaya nauwi sa breakup ang relasyon nila ni Dominic gaya sa kanyang naging past relationships.
“Ito ang ayaw ko. Dito sa kuwentong ito, pinalalabas na ang may problema si Bea Alonzo kasi. 'Naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo, hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.' To me, napaka-judgmental po non,” ani Boy.
Dagdag pa niya, “Yes, you and I have the right to comment. Yes, you and I have the freedom of speech, pero ako I appeal for kindness. What do we really know about this relationship? Do we know the nuances? Alam ba talaga natin ang detalye?”
“The narrative is not about Bea ang problema kaya sila naghiwalay. Sa pagkakaalam ko ito diretsahan, si Bea gusto ma-save ang relasyon na ito. Si Bea wants this to work,”ani Boy.
RELATED GALLERY: Bea Alonzo and Dominic Roque: a relationship timeline
Matapos ito, pinagtanggol din ni Boy si Dominic sa mga nangmamaliit at humuhusga rito.
Aniya, “Punta naman tayo doon kay Dominic, na masakit din pakinggan. 'Walag pera, hindi mayaman, hindi sikat, hindi karapat-dapat kay Bea,' cruel.”
Paalala ng TV host sa mga tao, “You have the right to comment, you have the right to share your opinion, pero sana'y let's exercise prudence, caution, and most important of all, kindness.”
Ayon pa kay Boy, “'Pag nagkaayos sina Bea at Dominic, no wedding is going to happen this year.””
Samantala, sa kabila ng mga pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay, abala rin si Bea sa kanyang bagong Kapuso serye na Widows' War, kung saan first time niya na makakasama ang aktres na si Carla Abellana.