What's on TV

Patani Daño sa 'Breaking Muse,' kinaaliwan ng fans at 'It's Showtime' hosts

By Kristine Kang
Published July 23, 2025 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Patani Daño, It's Showtime hosts


Breaking Muse! Spotted si 'Survivor Philippines' alumna Patani Daño sa 'It's Showtime'!

Maraming Kapuso fans ang nasorpresa sa biglaang pagbisita ng Survivor Philippines alumna at aktres na si Patani Daño!

Noong Lunes (July 21), masayang bumida si Patani sa overflowing confidence at good vibes segment na “Breaking Muse.”

Marami ang naaliw sa kanyang presentasyon bilang kandidata ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

"Simula po talaga noong ipinanganak ako, I really love myself talaga. That's why I tell myself 'Very beautiful! Oh my gosh!'" ani Patani habang aliw na aliw ang hosts at audience.

Sa kanyang husay sa pagsasalita, hindi maitago ni Patani sa mga host ang kanyang background bilang aktres at dating host sa GMA.

"From Survivor Philippines po talaga ako. Tapos naging show ko is Unang Hirit, naging host po ako doon," proud niyang kwento.

Natawa na lang sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Kim Chiu nang biglang sinakyan ni Patani ang kanilang kulitan na mag guest sa noontime program noon.

"Ang tagal-tagal na kasi ng It's Showtime. Tapos ngayon kasi, hindi n'yo ako gine-guest ba kaya gumawa na lang ako ng paraan para makarating dito and finally I'm here! Oh my gosh! It's my pleasure. I'm so happy," masayang sinabi niya.

"Pasensya ka na kung hindi ka namin naasikaso para i-guest dito at salamat dahil ikaw na ang gumawa ng paraan para makapag-guest dito a," banter ni Vhong.

Maliban sa kanyang banters, ipinakita rin ni Patani ang kanyang fiery skills sa dance floor.

Bagamat hindi nagwagi bilang “Breaking Muse of the Day,” pinusuan naman si Patani ng online netizens. May ilan ding fans ang natuwa sa kulitan at chemistry niya kasama ang hurado na si Will Ashley.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, alamin ang naging buhay ng ibang castaways ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown sa gallery na ito: