
Trending ngayong araw, August 18 ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa patikim ng kanyang awitin para sa pinakaaabangang album na R3.0.
Usap-usapan online ang kantang "Hugot" at ayon sa mga fans ni Regine ay excited silang mapakinggan ang kabuuan nito. Umani rin ng papuri si Regine dahil sigurado umano silang mag-number one ang "Hugot."
Nangangamoy no.1 na ang RegineR30 HUGOT
— Jayson Nedruda (@JaysonNedruda) August 18, 2017
I agree Iba Yung impact nung nirelease na clip! Pinagusapan! RegineR30 HUGOT https://t.co/ckFb38MYq4
— Lester (@yetkl) August 18, 2017
Ilan rin ang naka-relate sa mga linyang binitawan ni Regine sa kantang ito kaya naman kanilang ibinahagi ang parte ng lyrics na kumurot sa kanilang puso.
"Iniwanan sinaktan mo lang ako!!"
— Toni??Regine30???????????? (@GoddessRegineV) August 18, 2017
jusko daming relate dito hahaha ang saaaket wag nyo naman ipag diinan haha
RegineR30 HUGOT
"Hindi tanga ang magmahal ng sobra sobra, mas tanga ang taong naghanap na iba!" Hugooooooot! @reginevalcasid ???????? #SLAY
— Dylan (@yowitsdylan) August 17, 2017
"Hugooot natatakot mag-isa!!" dito pa lang relate na charot hahaha
— Toni??Regine30???????????? (@GoddessRegineV) August 18, 2017
RegineR30 HUGOT
Excited na ang iyong fans na marinig ang kabuuan ng "Hugot," Regine!
Video courtesy of churvangsweet xxv