
Kahit may pandemic, todo kayod pa rin ang mag-asawang Patricia Javier at Rob Walcher.
Nakatakda kasi silang magbukas ng pang-apat na branch ng kanilang wellness clinic sa Bacoor, Cavite.
Isang chiropractor si Rob at may tatlong branches na ng Doc Rob's Chiropractic Wellness Clinic.
Nasa Quezon City, Makati at Alabang ang mga branches na dinadayo hindi lang ng kanilang mga pasyente, kundi pati na ng kanilang celebrity friends.
Ibinahagi ni Patricia ang progreso ng panibagong branch na ipinapatayo nila.
Sa isang Instagram post, makikita siya na nasa construction ng bagong clinic.
"It's not easy to be in the new normal but we need to make the most out of this terrible pandemic. Still do what you love just practice in the safety way and trust God in our daily life. #weallcanovercomethistogether “coming soon Doc Rob' Wellness Center in Bacoor Cavite!" sulat niya sa caption.
Kabilang sa celebrity clients nina Patricia at Rob sina Gladys Reyes, Daiana Menezes, Empoy at Coco Martin.
Sa chiropractic, dina-diagnose at ginagamot ang ilang sakit sa muskoskeletal system ng isang tao.
Isa sa mga pinaka kilalang procedure dito ang pagri-realign ng spine para subukang bawasan o tanggalin ang nararanasang sakit sa likod at leeg.