
Nagbigay ng karangalan si Patricia Javier sa bayan nang maiuwi niya ang korona sa kauna-unahang Noble Queen of the Universe 2019, isang beauty-advocacy pageant na ginanap kagabi, December 1, sa Manila Hotel Centennial Hall.
Isa itong malaking achievement para sa dating aktres, matapos nitong inanunsyo kamakailan lang ang kanyang di pagsali sa darating na Mrs. Universe 2019 na gaganapin ngayong buwan sa Guangzhou, China.
Patricia Javier won't compete in Mrs. Universe 2019 anymore
Kitang-kita ang galak at pride sa mukha ni Patricia, lalo na't nasaksihan ng kaniyang asawang si Dr. Robert Walcher at kanilang mga anak ang kanyang pagkapanalo.
"I'm very happy to be part of this wonderful women empowerment organization and have new good friends," sambit ni Patricia. "I will use my new title to continue helping people, and to promote beauty, health, and wellness."
Hinirang na Miss Noble Queen Earth si Jill Chapman ng West Coast USA. Miss Noble Queen Tourism naman si Anna Robtsun Baylosis ng Russia.
Napiling Noble Queen Globe ang Australian candidate na si Beau Villanueva.
Ang anak naman ni Jukebox Queen Imelda Papin na si Maria France Imelda Papin Carrion ang kinoronahang Noble Queen International.
Si Ritchell Catt ng Guam ang first runner-up, at si Sylvia Kim ng Korea naman ang 2nd runner-up.
Ang mga sumaling kandidata ay nagmula pa sa Sweden, Vietnam, Russia, Korea, Malaysia, Australia at Amerika.
Sa naturang event kinilala rin ang recipients ng Most Prominent Women Empowerment award, kabilang sina Kapuso stars Sanya Lopez, Gladys Reyes, at Kapamilya comedienne Pokwang.
Ang adbokasiya ni Patricia--na kilala rin sa totoong buhay bilang Genesis Canlapan--ay "beauty, health, and wellness," na hindi naman nalalayo sa business na kanyang asawang si Rob na isang chiropractor.
Hangad niyang itaas ang awareness at importansya ng good health dahil naniniwala siya na ito ay nagsisilbing susi sa pagkakaroon ng mas maganda at mas masayang pamumuhay.
WATCH: Mrs. Universe Philippines 2019 Patricia Javier shares helpful tips for aspiring beauty queens