
Hindi maitatanggi na nag-iwan ng espesyal na marka sa puso ng marami ang GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa dala nitong mahika sa telebisyon at sa mismong set nito, naging tulay ito ng mga kuwento ng pag-asa, inspirasyon, at mahahalagang aral para sa Encantadiks at maging sa cast.
Sa nalalapit na pagtatapos ng isang yugto, isa-isang ibinabahagi ng Sang'gre stars ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa naging paglalakbay nila sa mundo ng Encantadia.
Kabilang sa nagbahagi ng mensahe ang sinaunang Kambal-Diwa stars na sina Patricia Tumulak at Ina Feleo.
Sa kanyang Instagram page, masayang binalikan ni Patricia ang kanyang karanasan bilang Kambal-Diwa ng Brilyante ng Hangin na si Erenea. Makikita sa mga larawan at video ang ilang behind-the-scenes moments ng Kapuso star habang suot ang kanyang majestic costume. Tampok din sa post ang kanyang kulitan kasama ang iba pang Kambal-Diwa at Sang'gre stars.
"Grateful to be part of this show! Catch the finale tonight! Hathor va shanaya, Erenea," aniya sa captions.
Samantala, masaya ring nagpasalamat si Ina sa oportunidad na maging bahagi ng superserye bilang Kambal-Diwa ng Brilyante ng Apoy na si Lavanea.
"Ang isang araw na taping ay nauwi sa iilan pa dahil sa matinding suporta mula sa mga nagmamahal sa Encantadia/Sanggre. I will always be thankful for Lavanea and the loving fans that came with it. Maray na avesa. Hanggang sa muli!" sulat niya.
Huwag palampasin ang epic finale ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.
Samantala, silipin ang highlights ng Encantadia Chronicles: Sang'gre finale media conference sa gallery na ito: