
Panalo sa ratings ang recent episode ng GMA afternoon drama series na Return To Paradise.
Nitong Huwebes, September 29, tinutukan ng mga Kapuso ang maiinit at matitinding mga tagpo sa nasabing serye.
Matatandaan na patuloy pa rin ang pananakot at kasakiman ni Rina (Teresa Loyzaga) kay Eden (Elle Villanueva), ang nobya ng kanyang anak na si Red (Derrick Monasterio).
Matapos manganak ang dalaga, hindi pa rin doon natapos ang masamang plano ni Rina dahil napaniwala niya sina Eden at Red na patay na ang kanilang sanggol.
Kasabwat naman ni Rina ang kapatid na si Zandro (Paolo Paraiso) sa kanyang paghihiganti kina Amanda at Eden.
Sa episode na ito, nakapagtala ang Return To Paradise ng 8.5 percent, ayon sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Nang dahil sa mga maiinit na tagpo sa Return To Paradise, umani pa ito ng papuri mula sa netizens dahil sa ganda ng istorya at galing sa pag-arte ng bawat cast.
Huwag palampasin ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.