Isa na namang nakakakilig na romantic comedy ang hatid ng GMA Heart of Asia!
Isang unlikely friendship ang mabubuo sa pagitan nina Ellie at Anton.
Si Ellie kasi ay maganda at popular, habang si Anton naman ay mababa ang self-esteem dahil sa kanyang timbang. Sa kabila nito, naging mabuting magkaibigan pa rin ang dalawa.
Nanatili rin ang komunikasyon nila kahit na lumipat na patungong Amerika ang pamilya ni Anton.
Pagbalik ni Anton sa Korea, nag-transform siya sa isang guwapo at successful na magazine editor.
Samantala, lumubog naman ang negosyo ng pamilya ni Ellie. Dahil dito, napabayaan na rin niya ang kanyang panlabas na anyo.
Dahil sa kanyang itsura, ayaw na sana ni Ellie na makipagkita kay Anton. Ngunit sadya silang pagtatagpuin ng tadhana—magiging boss ni Ellie sa Anton sa bago niyang trabaho.
Ang masakit, hindi talaga siya nakikilala ni Anton! Mapagtanto kaya ni Anton na ang intern na lagi niyang tinatarayan ay ang kanyang kababatang si Ellie?
Tampok dito si Hwang Jung-eum (Secret Love; Love Me, Heal Me) bilang Ellie at Park Seo-joon (Love Me, Heal Me) bilang Anton. Makakasama din nila sa serye si Super Junior member Choi Si-won at Go Joon-hee (King of Ambition).
Huwag palampasin ang Pretty Woman malapit na!