
Binalikan ng basketball superstars na sina Paul Artadi at Arwind Santos ang kanilang basketball journey.
Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, January 26, ikinuwento ni Paul bilang manlalaro ng Far Eastern University (FEU) ang kanyang impresyon kay Arwind, na manlalaro naman sa University of the East (UE).
Sa kanilang panayam, tinanong ni Boy Abunda kung nagustuhan nila ang isa't isa noon.
“Honestly, no,” diretsang sagot ni Paul.
Dagdag pa niya, “Sorry, I remember kinalmot ko si Arwind dito, pare. I was a bad guy.”
Ibinahagi naman ni Paul na “Feeling ko maangas ako noon, hindi ko alam kung bakit.”
Samantala, naalala naman ni Arwind na “makulit” at “mapang-asar” si Paul noon.
“Makulit talaga kasi. Hindi lang siya makulit, marami sila, halos pare-pareho, mga bully na player. Kami naman galing ako sa Pampanga, sanay naman ako noon,” kuwento ni Arwind.
Kahit na nakaranas siya ng pambubully noon, inamin ni Arwind na nanatili siyang dedikado sa kanyang paglalaro.
“Kaya ako laro lang. The more na nakikipag-bully-han, the more na nagfo-focus lang ako,” pahayag niya.
RELATED GALLERY: Ex-PBA players na nag-artista