
Mapapanood ang tambalang Paul Salas at Ayeesha Cervantes ngayong June 5 sa My Fantastic Pag-ibig: Ganda Problems.
Sa episode ngayong Sabado, gaganap si Paul bilang si Hector. Siya ay isang guwapo at mabait na may-ari ng isang advertising agency.
Si Ayeesha naman ay mapapanood bilang si Barang. Siya naman ay isang janitress sa advertising agency ni Hector. Pangarap ni Barang na maging model at may crush siya sa kaniyang boss na si Hector.
Sa episode na ito ay ipapakita ang kuwento ni Barang na humarap sa pangungutya kaya naman nangangarap siyang gumanda at mapansin ng kaniyang crush na si Hector.
Ano ang mangyayari kung ang isang magical mist ang tumupad sa pangarap ni Barang?
Photo source: lovelyrivero | crystalparas (IG)
Mapapanood rin sa episode na ito sina Lovely Rivero bilang si Mama Grace at si Crystal Paras bilang Fantasia.
Abangan ang kuwento nina Barang at Hector ngayong Sabado sa My Fantastic Pag-ibig: Ganda Problems, 7:45 p.m. sa GTV.
WATCH: Ang paghaharap nina Bituin at Yloon sa 'My Fantastic Pag-ibig'