
Eye candy ang hatid ng bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Sina Kapuso actors Paul Salas at Dustin Yu kasi ang bibida sa episode na "Car Wash Boys."
Si Paul ay si Marco habang si Dustin naman ay si Timmy, longtime friends at business partners sa kanilang car wash na Alagang Pogi.
Biglang susulpot sa car was nila si Rose, played by Sarah Holmes, ang high school crush nilang dalawa.
May sumpaan noon sina Marco at Timmy na dahil pareho silang may gusto kay Rose, hindi nila ito liligawan para maprotektahan ang kanilang friendship.
Tutuparin pa rin kaya nina Marco at Timmy ang promise na ito? O ito na ba ang sisira sa matagal na nilang pagkakaibigan?
Abangan ang brand new episode na "Car Wash Boys," July 2, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.