GMA Logo Paul Salas
PHOTO COURTESY: paulandre.salas (Instagram)
What's on TV

Paul Salas calls PH adaptation of 'Shining Inheritance' a memorable project for him

By Dianne Mariano
Published January 3, 2025 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Paul Salas


Ayon kay Kapuso hunk Paul Salas, honored siyang nakatrabaho ang kanyang co-stars sa GMA Afternoon Prime series na 'Shining Inheritance.'

Kasalukuyang napapanood ang Kapuso star na si Paul Salas sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.

Bumibida ang hunk actor bilang Francis Abrigo sa naturang afternoon soap.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Paul, ibinahagi niyang labis na nag-enjoy siya sa taping ng Shining Inheritance at aniya'y hindi niya malilimutan ang proyektong ito.

"Sobrang enjoy lang. Actually, nagtatawanan lang kami. Hindi namin alam na gano'n pala kabigat, ang daming galit na galit dahil kahit papaano nakita ko rin 'yung bawat ganda nung talento ng bawat character.

“At siyempre, sobrang honored ako na makatrabaho [sila], lalo na si Ms. Coney Reyes, at hinding-hindi ko makakalimutan itong Shining Inheritance,” kuwento niya.

Samantala, sa isang panayam, ikinuwento ni Paul na ikalawang ama ang kanyang turing sa co-star na si Wendell Ramos, na gumaganap bilang ang ama ng una na si Charlie Abrigo.

Aniya, “Nagkaroon ako ng second dad sa taping ng Shining Inheritance kay Kuya Wendell Ramos. Si Kuya Wendell, iba mag-advise. Hindi lang siya sa on-cam advice kundi off-cam din, sa kung paano i-treat 'yung showbiz life, siyempre sa longevity ni Kuya Wendell Ramos.”

Subaybayan ang Shining Inheritance, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.