GMA Logo The Write One leads
What's on TV

Paul Salas, ibinahagi kung paano magkaroon ng working relationship sa mga kaibigan sa 'The Write One'

By Marah Ruiz
Published March 18, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Write One leads


Ibinahagi ni Paul Salas kung paano niya nabuo ang working relationship sa mga kaibigan na co-stars niya sa 'The Write One.'

Makakatrabaho ni Kapuso actor and Sparkle star Paul Salas ang kanyang mga kaibigan at pati na ang kanyang significant other sa upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.

Co-star niya sa serye ang real-life girlfriend niyang si Mikee Quintos, pati na ang mga good friends nilang sina Ruru Madrid at Bianca Umali na siyang bida ng show.

Aminado si Paul na hindi siya sanay na makatrabaho ang mga malalapit na kaibigan sa isang proyekto na may romantic themes.

Gaganap kasi siya sa serye bilang Hans Arevalo, isang human rights lawyer. Pero hindi si Mikee ang makakapares niya sa show kundi si Bianca.

"Before po kasi kami magkasama sa show, sanay kaming tulad ng sabi ni Bianca na pahinga, kumportable, sabay kami mag-dinner, actually double date," bahagi ni Paul sa media conference at pilot screening ng The Write One.

Nagkatrabaho na si Paul at si Ruru noong nakaraang taon sa hit primetime show na Lolong kung saan gumanap sila bilang magkapatid. Nagkatrabaho na rin sina Ruru at Mikee sa Encantadia kung saan gumanap naman sila bilang mag-ama.

Pero hindi raw talaga inaasahan ni Paul na magkakasama silang apat nina Mikee, Ruru at Bianca sa isang proyekto.

"Hindi ko ine-expect na magsasama kami sa isang show so noong nangyari ito, sabi ko kay Mikee, sobrang honored ako to be a part of this," paggunita ni Paul.

Marami raw ang kailangan para magkaroon ng working relationship sa mga close friends at partner niya.

"Para sa akin, hindi ko masasabing madali dahil it takes a lot of conversations, brainstorming, time, patience, understanding," paliwanag ng aktor.

Nagsisilbi rin daw ang mga itong inspirasyon para mas pagbutihn pa ni Paul ang kanyang trabaho.

"Sabi ko [kay Mikee], galingan namin at tiwala naman kami kay Ruru at kay Bianca dahil sa mga pinapakita na. Gusto naman namin na ibigay din ang best naming lahat para sa magandang show na ito," aniya.

Ang The Write One ay kuwento ng isang frustrated television writer na mabibigyan ng pagkakataon na literal mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng isang antique typewriter.

Abangan ang world premiere ng The Write One sa March 20, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:30 p.m. Maaari rin itong i-stream, anytime, anywhere sa www.viu.com simula March 18.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE RITO: